Filtered By: Newstv
NewsTV
R.I.Puno sa 'Investigative Documentaries'
Masama ang loob ng mga taga Bulan, Sorsogon. Limampung puno sa Maharlika Highway ang pinutol nang wala raw pasabi sa kanila. Daang taon na ang ilan sa mga ito at bahagi na ng kasaysayan ng kanilang komunidad. Dahil ito sa mahigit walong bilyong pisong road projects sa Bicol region.
Dahil sa protesta ng mga tao, sinuspindi muna ang permit ng Department of Public Works and Highways para sa pagputol ng puno sa Bulan. Pero huli na ito dahil 51 na puno ang naitumba na.
Sa Barangay Timugan, Los Banos, Laguna, 19 na puno ng kapok ang pinutol ng DPWH dahil kailangan daw laparan ang daan. Ang kapitan ng barangay ang nagbigay raw ng permiso, at kasali pa siya sa pagputol ng puno. Kamakailan ay nag-utos ang Department of Environment and Natural Resources na itigil ang pagputol ng mga puno. Ang problema, iisang puno na lang ng kapok ang nakatayo.
Alamin kung bakit maraming puno ang patuloy na pinapatay sa ngalan ng pagpapalapad ng daan. May katwiran ba ang ganitong gawain? May paraan ba para ito ay maiwasan? Abangan ang detalye sa Investigative Documentaries ng GMA News TV Channel 11 ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas
More Videos
Most Popular