Filtered By: Newstv
NewsTV
'Pinoy Rock' sa 'Investigative Documentaries'
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
27 February 2014 Episode
PINOY ROCK
Maingay at masakit sa tenga ang rock music para sa ilan. Pero para sa mga banda at tagasunod nito, hindi lang ito basta hanapbuhay o libangan. Namayagpag ang Pinoy rock music sa Pilipinas noong dekada 70.
Panahon ito ng Juan dela Cruz band. Pinasikat nila ang kantang "Himig Natin” na isinulat ni Pepe Smith, kinikilala ngayong ama ng “rock and roll”. Nang ideklara ang martial law, naging paraan ang musika para iparating ang sentimiyento ng mga Pilipino sa gobyerno.
Hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang rock music. Ang Slapshock, 17 taon nang tumutugtog. Slap armies ang tawag sa mga tagahanga nila. Hindi lang basta ingay ang mga kanta nila. Ang isa sa mga sikat nilang awit na ‘Unshakable” alay nila para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ang Tanya Markova naman, mga lalaking nakadamit pambabae kapag nasa entablado. Isang dekada na ang banda, pero hindi pa rin nila binibitawan ang kanilang trabaho dahil maliit daw ang kita sa pagbabanda.
Bukod sa mga kilala na, may mga bagong sibol rin tulad ng Manila Underfire na nanalo sa isang battle of the band.
May paaralan na rin para sa mga gustong mag-aral ng rock music na nagbukas nitong 2013. May halos limampung estudyante rito.
Kilalanin natin ang mga rakista mula sa ibat ibang henersayon. Makipagrakrakan sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug
More Videos
Most Popular