Filtered By: Newstv
NewsTV
Investigative Documentaries: Sakit sa puso
Dati'y sakit sa baga. Ngayon, sakit sa puso na ang numero unong pumapatay sa mga Pilipino. Hindi dahil sa mga pagbabago sa paligid, kundi dahil sa desisyon ng may katawan.
Ngayong araw ng mga puso, alamin natin kung bakit ang sakit sa puso ay klasipikado nang isang lifestyle disease. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang sakit sa puso ngayon ay dahil sa paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak, kawalan ng ehersisyo, at pagkonsumo ng mga pagkain na dapat iwasan.
Dagdag pa ng WHO, siyam sa bawat sampung Pilipino ang may posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso. Tatlo sa bawat sampung Pilipino ang naninigarilyo, halos tatlo sa bawat sampu ang overweight at halos tatlo rin sa bawat sampu na may edad bente pataas ang umiinom ng alak.
Kahit ang mga bata pwedeng magkaroon sa sakit sa puso. Dose anyos pa lang si Jayvee pero kahit sa simpleng pagbibisikleta ay hirap siya. May congenital heart disease siya. Honor student si Jayvee pero huminto na siya sa pag-aaral dahil hindi kaya ng kanyang katawan ang pumasok sa eskwela. Dahil walang pera, hindi siya naipapagamot.
Aaabot sa isandaang libong piso hanggang halos isang mliyong piso ang presyo ng operasyon sa puso. Hindi rin sapat ang ospital na pwedeng takbuhan ng mga pasyente, lalo na ng mga nasa probinsiya.
Paano makakaiwas sa sakit sa puso? Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular