Filtered by: Newstv
NewsTV
Iba't ibang mukha ng pagboto, kilalanin sa Investigative Documentaries
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
Iba't Ibang Mukha ng Pagboto
Airing date: May 16, Huwebes, 8:00 PM
![](http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2013/05/2013_05_14_21_39_56.JPG)
Bulag si Lauro Purcil, 57. Pero hindi ito hadlang sa kanyang pagboto. Nitong Lunes, isa siya sa milyun-milyong nagtungo sa kanyang voting precinct para ihain ang kanyang boto sa mid-term elections.
Freelance writer si Ryllah Berico, 33. Mula 1998 ay hindi siya pumalya kahit minsan sa pagboto. Hindi raw mahalaga sa kanya kung matalo ang kanyang mga ibinoboto, basta't nagawa niya ang sa kanyang paningin ay responsibilidad niya.
Freelance editor ang kapatid ni Ryllah na si Owen Berico, 27. Ni minsan ay hindi siya bumoto dahil di raw siya naniniwalang magkakaroon pa ng pagbabago sa bansa.
Estudyante si Jerom Yamat, 21. Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumoto siya noong Lunes. Dismayado siya sa mga politikong epal at di sumunod sa mga patakaran ng kampanya pero sa kabila nito, desidido siyang maging bahagi ng halalan.
Guro si Chelma Kabatik, 41. Mula noong 1998 ay nagsisilbi na siya sa eleksion. Kahit pa dumaan sa isang marahas na sitwasyon noong 2007 barangay elections, tuloy pa rin siya sa pagsisilbi. Ito raw ang simpleng alay niya sa bayan.
Iba't ibang mukha ng mga naging bahagi ng 2013 elections. Alamin natin ang kanilang kuwento at sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular