Filtered By: Newstv
NewsTV
'Sakahan: ang ikalawang bahagi' sa Investigative Documentaries
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
Sakahan: Ang Ikalawang Bahagi
Airing date: March 21, 2103
Sa pagpapatuloy ng 2nd anniversary special ng Investigative Documentaries, ating sundan ang kuwento ng mga taong sa sakahan umaasa ng ikabubuhay.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, may 1 milyong magsasaka ang walang sariling lupa. Kabilang dito si Ka Rene Dela Cruz, 63 taong gulang. Mahigit apat na dekada na siyang magsasaka pero hanggang ngayon ay ipinaglalaban pa rin ang lupa na kanyang tinatamnan.
Ang Comprehensive Agrarian Reform Program na nagsimula pa noong dekada otsenta ang huling pag-asa ng mga gaya ni Ka Rene, layunin ng batas na ipamahagi ang sampung milyong ektarya ng lupa sa mga magsasaka. Usad pagong man ang proseso, tiwala silang ito ang sagot sa matagal na nilang problema.
Dahil hindi sapat ang kanyang kinikita mula sa pagsasaka, namamasada rin si Ka Rene bilang jeepney driver araw-araw.
Sundan ang ikalawang bahagi ng kuwento ng mga tao sa ating sakahan sa ikalawang anibersaryo ng Investigative Documentaries, kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular