Filtered By: Newstv
NewsTV
'Sakahan: ang unang bahagi' sa 'Investigative Documentaries'
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
Sakahan: Ang Unang Bahagi
Airing date: March 14, 2013
Mahigit 12 milyong Pilipino ang nasa pagsasaka. Pero ito ang ikalawa sa pinakamahirap na sektor sa buong bansa.
Marami raw kasi ang buong taon mang magsaka, madalas ay hindi sapat ang ani para suportahan ang pamilya.
Sa loob ng halos isang taon, sinundan ng Investigative Documentaries ang ilang magsasaka. Mula sa pagtatanim hanggang sa pag-ani, sa ilalim ng matinding init o sa lalim man ng baha, sinundan ng programa ang kanilang buhay.
Binuksan ng mga magsasaka ang kanilang tahanan para ipakilala ang kanilang pamilya. Ibinahagi ang kanilang mga pangarap, maging ang mga problema at kung paano nila ito hinaharap.
May ilang magsasaka na pinalad na may minanang lupa para taniman. Ang iba, dekada na ang pakikipaglaban para mabiyayaan ng sarili nilang sakahan.
Sundan ang unang bahagi ng kanilang kuwento sa 2nd anniversary special ng Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular