Filtered By: Newstv
NewsTV
'Gutom' sa Investigative Documentaries
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
GUTOM
Airing date: March 7, 2013
Disyembre 2012 nang tamaan ng bagyong Pablo ang probinsiya ng Compostela Valley. Pinaka-nasalanta ang bayan ng New Bataan, kung saan mahigit dalawang libong bahay ang nawasak. Dalawampu’t pitong paaralan ang lubos na napinsala.
Makalipas ang tatlong buwan, napabalita ang pagsugod ng mga nasalanta sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development. Sa tindi ng gutom, ninais na nilang direktang mahawakan at maiuwi ang relief goods.
Reklamo ng mga biktima ng bagyo, hindi dumarating sa kanila ang tulong ng gobyerno.
Ayon sa ulat ng United Nations Children's Fund o UNICEF, may "silent emergency" ng malnutrisyon, kawalan ng edukasyon, at trafficking ng mga bata at babae sa mga lugar na tinamaan ni Pablo.
Tatlong buwan matapos ang bagyo, bakit di pa rin nakakabawi ang mga sinalanta nito?
Sa pagsasaliksik ng Investigative Documentaries sa ilang lugar, nalaman na hindi pa rin naalis ang mga kalat at di pa rin nakukumpuni ang mga nasira ng bagyo. Nawasak din ang taniman ng mga magsasaka, at walang ayudang nakaratating sa kanila para muling makapagsimula ng hanapbuhay.
Sinundan ng programa si Jocelyn Advincula, na kinailangang iwan ang siyam na anak sa bahay. Dumadayo siya sa Davao Del Norte para kumita. Isang linggo siyang nawawala. Pito sa siyam niyang anak ang pumapasok sa eskwela. Ang panganay na anak ang nagsisilbing magulang habang wala ang kanilang nanay.
Sundan ang kanilang kuwento at ng kanilang mga kapwa nasalanta sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular