Filtered By: Newstv
NewsTV

Tulay sa 'Investigative Documentaries'


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES Tulay Original airing date: November 15, 2012 Replay airing date: January 31, 2013 Kung kailangang lumangoy para makapasok sa paaralan, mag-aaral ka pa ba? Sa Barangay Dalagsaan, Libacao, Aklan, ito ang araw-araw na ginagawa ng ilang mga bata para lang makapasok sa eskuwela. Sa maraming bahagi kasi ng bansa, di pa rin mabilang ang mga komunidad na wala pa ring sementadong daan at mga tulay. Ito ang dahilan kung bakit mula noong 1994 hanggang ngayon, ipinatutupad ang President's Bridge Program o PBP.   Bilyong piso ang gastos ng gobyerno para matugunan ang kakulangan sa tulay. Pero santambak na problema ang hatid ng ilang kontrobersyal na proyekto. Sa episode na ito ng Investigative Documentaries, bibisitahin ang ilang tulay sa Region 6 na ipinagawa sa ilalim ng PBP. Ganoon din, siniyasat ng programa ang ilang infrastructure projects sa Iloilo na umano ay overpriced.  Tampok din ang Guadalupe Bridge sa Aklan, na P100 million ang halaga, pero tila kinapos naman ang pagkakagawa. Gaano katotoo na may kumikita sa mga proyektong gaya nito? Sulit ba ang perang ginagastos para sa mga tulay o nagiging tulay lamang ito ng iilan para manamantala? Alamin ang sagot sa Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.