Filtered by: Newstv
NewsTV
Ghost Projects sa 'Investigative Documentaries'
Hindi lang patay ang nagmumulto. Kahit sa gobyerno, marami ring multo. Nariyan ang ghost projects. Mayroon ding ghost employees. Bilang pakikiisa sa pagdaraos ng Undas,isang espesyal na episode ang handog ng "Investigative Documentaries" ngayong Huwebes. Kikilabutan ka sa katiwalian sa iba't-ibang proyekto ng gobyerno. Aming tinutukan ang isyu ng anomalya sa pondong mula sa MALAMPAYA, isang kompanya ng langis na kumukuha ng natural gas mula sa Palawan.
Umabot sa P520 million ang natanggap ng ikalawang distrito ng Palawan mula sa MALAMPAYA noong 2008. Ito ay inilaan sa pagpapagawa ng kalsada, tulay at classrooms. Sa report ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2009, tapos na raw ang ilan sa mga proyekto pero taliwas ito sa imbestigasyon ng Commission on Audit o COA. Puna ng ahensiya, may mga proyektong depektibo at ang ilan ay di pa tapos. Overpriced naman daw ang iba pang proyekto. Suma total: ang pera na sana ay makatutulong sa mga taga-Palawan, pinakinabangan ng iilan lamang. Sinu-sino ang dapat managot sa katiwaliang ito? Manood ng "Investigative Documentaries" kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug
More Videos
Most Popular