Filtered By: Newstv
NewsTV
'Investigative Documentaries': Palikuran
Sa panahon na high tech na ang halos lahat ng bagay sa ating paligid, hindi kapanipaniwala ang bilang ng mga Pilipinong hindi pa nakagagamit ng totoong palikuran sa kanilang buong buhay: 9.6 milyong katao.
May mga komunidad na umaakyat sa bundok ang mga residente para doon dumumi. May iba namang ipinaaanod sa ilog ang kanilang "produkto." Ang iba naman, ang bakuran ang nagsisilbing palikuran. May ilang nagpapalipad ng "flying saucer," plastic na may laman ng kanilang dumi. May ilang naghihintay ng pagdilim, at may ibang kung saan abutan ay doon na umuupo. Hindi kasi prayoridad ng maraming residente ang pagkakaroon ng maayos na palikuran. Para sa kanila, mas malaking problema ang paghahanap ng ihahain sa mesa kaysa pagpapagawa ng pakiluran. Ano ang panganib na puwedeng idulot ng kawalan ng maayos na palikuran? Ano ang simple at murang solusyon sa problemang ito? Manood ng Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: pr
More Videos
Most Popular