Filtered By: Newstv
NewsTV

PILApinas sa 'Investigative Documentaries'


Mula paggising hanggang bago matulog, ilang beses nagiging bahagi ng ating buhay ang paghihintay. Nariyan ang pagpila sa banyo para maligo. Sa pagpasok sa trabaho o eskuwela, nariyan ang pagpila sa sakayan. Pagdating ng tanghali, pipila sa kantina.   May mga pasaway ring hindi nagpapakita sa oras sa mga meeting, kaya naman ang mga disiplinado ay nanakawan ng oras sa paghihintay.   Sa mga transaksyon sa iba't ibang tanggapan, pribado man o sa gobyerno, bahagi na ang pagpila. Sa pagkuha ng lisensiya sa Land Transportation Office, o para magpakasal, mahaba ang pila. Para magka-permit sa negosyo, pagpapakasal, o pagkuha ng benepisyo, dapat may tubig at sandwich dahil inaasahan na rito ang mahabang pila.     Ayon nga sa mga eksperto, kung ang isang tao ay may normal na haba ng buhay, mababa na ang dalawang taon nito ang ginugol sa pagpila o paghihintay.     Sa episode na ito ng Investigative Documentaries, alamin ang mga bagay-bagay na pinipilahan nating mga Pinoy, at kung ganoo kalaki ang nababawas sa ating buhay dahil dito. Anu-ano ang mga paraan para mabawasan ang mga nasasayang nating mga minuto?   Manood ng Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.