Alam niyo bang dalawa sa bawat sampung Pilipino ay underweight o kulang sa timbang? Samantalang halos tatlo naman sa bawat sampu ang sobra sa bigat. Sa Metro Manila, pitong porsiento ng populasyon ay obese. Isa itong bigating problema kung tutuusin. Ang wastong nutrisyon kasi ay mahalaga para sa malulusog na bata, para sa isang malusog na bansa. Kabilang nga sa target ng Millennium Development Goals o MDGs ang pababain ang bilang ng mga underweight na batang Pilipino, pero kung ang mga datos ang magsasalita, malayung-malayo pa ang ating tatahakin para maabot ito. At hindi natin matutupad ang deadline na 2015 para dito. Marami kasi ang walang sapat na kabuhayan para makabili ng tamang pagkain, ang iba naman ay hindi wasto ang kaalaman sa kung ano ang dapat na kainin. Alamin natin ang kalagayan ng ilan nating kababayan, na ang tanging hiling ay may mailaman sa kumukulong tiyan at kilalanin din natin ang hirap ng ilan na mabawasan ang timbang. Manood ng Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.