Filtered by: Newstv
NewsTV

Kaso ng pagpatay sa isang babae sa Davao, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


“LAGARAW’

Sa pagganap nina Elizabeth Oropesa, Neil Ryan Sese at Buboy Villar

Putol ang kaliwang kamay at tadtad ng saksak ang iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan si Lucena Diaz, 58 taong gulang sa loob mismo ng sarili nilang tirahan.

Tahimik na naninirahan sa Barangay Tungkalan, Bayan ng Toril, Lungsod ng Davao ang mag-asawang Lucena at Alberto. Maayos daw silang makitungo sa mga kapitbahay. Kaya naging palaisipan ang motibo at pagkakakilanlan ng maysala sa krimen

Nadamay pa sa imbestigasyon ang sariling asawa ng biktima at unang itinuring bilang “person of interest”. Hanggang ang mismong kapatid ni Lucena ang may mahalagang impormasyong nakatulong sa paglutas sa kaso. Isang lalaki raw ang nakita niyang may dalang lagaraw o itak sa bahay ng mga biktima?

Malinis nga kaya ni Alberto ang kanyang pangalan? Sino nga ba ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpaslang at ano ang motibo sa krimen?