Mga maaasim na putahe, ibibida sa 'i Juander'
I Juander, bakit patok sa panlasa ni Juan ang mga pagkaing maaasim?
Mula sa itinuturing na pambansang ulam na sinigang, hanggang sa iba't ibang klase ng suka, pati na sa mga prutas na tiyak mapapa-mukhasim si Juan--- I Juander, bakit nga ba patok sa panlasang Pinoy ang mga pagkaing maaasim?
Bukod sa kamias, sampaloc at miso, may iba pang mga pampaasim na ginagamit sa pagluluto ng Sinigang. Gaya ng talbos ng alibangbang ng mga taga-Bulacan at talbos ng bilukaw ng mga taga-Bataan. Ang mga Ilonggo naman, isang maliit at kulay berde na prutas ang nakasanayang pampaasim, ang tinatawag nilang batwan.
Pagdating sa sawsawan, maasim pa rin ang patok sa panlasang Pinoy. Kaya nga may iba't ibang klase ng suka sa bayan ni Juan depende sa kung ano ang pangunahing produkto ng isang lugar. Sa La Union, gawa sa sugar cane o tubo ang pambato nilang sukang basi. Para alamin ang paggawa nito at para kumagat din sa mukhasim challenge, makakasama ng I Juander ang Kapuso artist na si Kyle Vergara. Tikman din ang bagong-bago at walang katulad na suka ng mga taga-Baguio, ang kanilang sukang watwat!
Sa mga prutas naman, alin nga ba talaga ang pinaka maasim? Sa pamamagitan ng isang siyentipikong pagsusuri, alamin kung alin sa sampaloc, kamias at tinatawag na rattan fruit ang may pinaka mataas na asim factor.
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
“I Juander, bakit patok sa panlasa ni Juan ang mga pagkaing maaasim?”
English:
From sinigang, to different kinds of vinegar, and even sour fruits… I Juander, why is sour taste popular among Filipinos?
Aside from kamias, tamarind and miso, other flavors with sour taste are also mixed in Sinigang; like the leaves of alibangbang of the people of Bulacan, and bilukaw of the people of Bataan. While the Ilonggos have small, green fruit that is mixed in their dish for sour flavor, that they call batwan.
When it comes to sauces, sour is still popular among Filipinos. That is why there are different kinds of vinegar in the country, depending on the product abundant in the place. In La Union, their vinegar is mainly made from sugar cane that they call basi. Kapuso artist Kyle Vergara will learn how to make vinegar, he will also accept the vinegar tasting challenge. We will also try out the newest vinegar version of Baguio, their watwat vinegar.
Through as scientific test, we will learn if tamarind, kamias or rattan fruit is the sourest.
Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario this Wednesday in I Juander, eight o’clock in the evening on GMA News TV, as we answer the question:
I Juander, why is sour flavor food popular among Filipinos?