Nauusong pampaganda sa bayan ni Juan, ibibida sa 'i Juander'
I Juander, ano-ano ang mga nauusong pampaganda sa bayan ni Juan?
Talaga namang hindi pa rin humuhupa ang Korean fever dito sa bayan ni Juan. Mula sa K-Drama, K-Pop songs with matching trending na dance moves, hanggang sa Korean skincare o K-Beauty. Paano nga ba nila na-a-achieve ang kutis na para bang walang pores? Ang sikreto, ang tinatawag na 10-Step Korean Skincare Routine na susubukan mismo ni Susan Enriquez. Umepek naman kaya ito sa kanyang kutis?
Kung problema naman ang mga tigidig o tighiyawat sa mukha, bakit hindi raw subukan ang makabagong “Vampire Stomp Facial Treatment?” Kung saan kukuha ng dugo mula sa pasyente na siyang ituturok din mismo sa kanyang mukha! Pati na ang putik, ginagamit na ring pampaganda ng kutis.
Para naman sa mga nauubos na ang buhok kaiisip ng solusyon sa pagka-kalbo at pagkapanot, may makabagong paraan na rin daw ng hair transplant na mismong sinubukan ng cosmetic surgeon na si Dr. Sam de Lazana. Sa edad nga niya ngayon na singkuwenta anyos, mas makapal pa raw ang buhok niya kumpara noong siya'y tatlumpu't limang taong gulang pa lang. Samantalang ang lifestyle and beauty vlogger na si Ronan Domingo, nakuha pang mag-vlog habang sumasailalim sa makabagong paraan ng pagpapa-noselift!
Usapang pagpapaganda ang tatalakayin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano-ano ang mga nauusong pampaganda sa bayan ni Juan?
English:
We are experiencing Korean fever, from K-Drama, K-Pop songs with trending dance moves up to Korean skin care or K-Beauty. Do you know how can we achieve their poreless skin? Their secret is the 10-Step Korean Routine that Susan Enriquez tried.
For those who has a problem with pimples or acne, you may want to try “Vampire stomp facial Treatment”, wherein blood is extracted to the patient and will be injected in his own face. Even mud is now being used to achieve great skin.
For those who are experiencing balding problem, they can try out hair transplant which was tried by cosmetic surgeon Dr. Sam de Lazana. At the age of fifty, his hair is thicker now than when he was thirty five years old. The lifestyle beauty vlogger Ronan Domingo underwent noselift procedure and even showed the video online.
This Wednesday is all about beauty talk with Susan Enriquez and Cesar Apolinario on I Juander, eight o’clock in the evening on GMA News TV. We will answer the question:
I Juander, what are the latest beauty trends today?