Filtered By: Newstv
NewsTV

Exotic Chinese food, ihahain sa 'i Juander'


 


Sa ikalawang bahagi ng ika-pitong taong anibersaryo ng I Juander, patuloy na lilibutin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang siyudad ng Beijing sa China para pasyalan ang pamosong mga atraksyon, tumikim ng authentic Chinese cuisine at makasalamuha na rin ang mga Pilipino nakikipag sapalaran doon.

 


Hindi nila palalagpasin ang pagpunta sa Summer Palace na siyang pinaka malaking royal park sa buong Tsina. Dinadayo ito dahil sa naggagandahang mga hardin at makalumang mga palasyo na hanggang ngayo'y napreserba pa rin. Pati na sa makaagaw pansing Beijing National Stadium na mistulang higanteng pugad ng ibon. Pero ang pinaka espesyal para kina Susan at Cesar, ang pagpunta nila sa Beijing Zoo para makita ang nag-uumapaw na kakyutan ng mga panda!

 

 


Maki-food trip din sa kahabaan ng Wangfujing, isa sa mga pinaka popular na night market sa Beijing. Pero liban sa mga authentic Chinese cuisine, mapapasubo rin sina Susan at Cesar sa pagkain ng mga kakaibang insekto. Kayanin kaya ng sikmura nila na kumain ng scorpion, tipaklong at iba pang mga exotic na pagkain?

 

 


Makikilala rin nila ang ilang mga Pilipinong itinuring na ang Beijing bilang kanilang ikalawang tahanan, gaya ni Khendi na singer sa isang bar. Bilang single mom, napilitan siyang pakawalan ang pangarap na maging flight attendant at makipag sapalaran sa Beijing. Samantalang ang chef naman na si Jak - may sarili na ngayong catering business doon. Pero hindi lang daw suwerte ang nahanap niya doon kundi pati ang kabiyak ng kanyang puso.

Abangan lahat ng 'yan sa part two ng I Juander China Special ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.

English:

In the second part of I Juander’s seventh Anniversary Special, Susan Enriquez and Cesar Apolinario continue to explore the city of Beijing, China by visiting various tourist attractions, taste authentic Chinese cuisine and meet Filipinos working in Beijing.

Cesar visited Summer Palace, it is one of the biggest royal park in China and Beijing National Stadium that looks like giant bird’s nest. And Susan and Cesar did not miss the chance to visit Beijing Zoo to personally see the cute pandas.

They also went to the most popular night market in Beijing, Wangfujing for food tripping. And aside from authentic Chinese cuisine, Susan and Cesar will be challenged to try out scorpion, grasshopper and other exotic animals.

They will also get to know some Filipinos living in Beijing like Khendi who work as singer in a bar. As a single mom, she is forced to give up her dream to be a flight attendant and try her luck in Beijing. While, Chef Jak has his own catering business, met his wife and started a family in Beijing.

Do not miss the second part of I Juander’s China Special this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!