Filtered By: Newstv
NewsTV

Buhay ng mga batang mag-aasin, tampok sa 'i Juander'


 


Kasing-alat ng inaani nilang asin ang kapalaran ng mga mag-aasin ng Sitio Dampalit sa Malolos, Bulacan. Mula Disyembre, araw-araw nilang tinitiis ang matinding sikat ng araw, kapalit ang halagang makukuha nila sa katapusan pa ng Mayo.

Maski mga bata, sumasabak sa ganitong uri ng trabaho gaya ng magkapatid na Jeremy at Marilou, pati na ang kaibigan nilang si Teresa – na nasa edad walo hanggang sampung taong gulang. Bukod sa hangaring makatulong sa mga magulang, may mga pinag-iipunan din ang mga bata para sa nalalapit na pasukan. Mabili kaya nila ang pinapangarap na bag, bisikleta at pares ng sapatos?

 


Pero ang mas malaking pagsubok na kinakaharap ng mga taga-Sitio Dampalit, ang bumabagsak na industriya ng pag-aasin sa Pilipinas. Ang iba nga sa malalawak na asinan sa Bulacan, ipinagbili na para gawing paliparan. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran para sa mga mag-aasin ng Sitio Dampalit? At ano kaya ang larawang ipipinta ng kinabukasan para kina Jeremy, Marilou at Teresa?

 


Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na kilalanin “Ang Mga Bata sa Asinan” ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.

 


The fate of the workers in a salt farm in Sitio Dampalit in Malolos, Bulacan is uncertain. Since December, they work every day enduring the heat of the sun in exchange for an amount to be given at the end of the month of May.

Even the children are faced with this kind of work like the siblings Jeremy and Marilou, and their friend Teresa ages eight  to ten years old. Aside from their want to help their family, the children are saving up for their upcoming schooling. Will they be able to buy their dream bag, bike and a pair of shoes?

But the bigger challenge that the workers in Sitio Dampalit is facing is the fall of salt industry in the Philippines. Some people in the area already sold their lands used in salt farming to be used as airport for planes. What is the fate awaiting for the salt farmers in Sitio Dampalit? What is the future in store for Jeremy, Marilou and Teresa?

Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they understand the situation of the children in the salt farm, Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!