Filtered By: Newstv
NewsTV

Kultura ng Katutubong Mangyan ng Oriental Mindoro, ibibida sa 'i Juander'


 


Sa ikalawang bahagi ng Oriental Mindoro Special ng I Juander, patuloy na tutuklasin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang naggandahang mga tanawin ng probinsya, ang mayaman nitong kasaysayan, gayun din ang natatanging kultura ng mga katutubong Mangyan.

 


Samahan si Cesar na mag-island hopping sa pinakadulong bahagi ng Oriental Mindoro ang Bulalacao. Binubuo ito ng labintatlong isla at isa sa mga ito, ang Buyayao Island. Sa bughaw nitong tubig, mala-porselanang buhangin at mayabong na kagubatan, paraisong maituturing ang isla. Pero noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginawa pala itong kuta ng mga sundalong Hapon at kalauna'y naging pribadong resort din ng crony ng dating pangulong Ferdinand Marcos.

 


Maga-adventure naman ang aktor at suking ka-Juander na si Addy Raj. Dadayo kasi siya sa bayan ng Mansalay, na siyang binansagan na “Jurassic Park of the Philippines.” Ano kaya ang madidiskubre niya rito? At totoo nga kaya na minsang naglakad sa lupain ng Oriental Mindoro ang naglalakihang mga dinosaur ilang libong siglo na ang nakararaan?

 


Si Susan naman, titikman ang kakaibang pamatid uhaw ng mga katutubong Mangyan, lalo na raw kapag ganitong mainit ang panahon, ang kanilang gumamela juice. Sa bayan naman ng Victoria, na siyang kinikilalang Calamansi Capital ng Mindoro, matitikman ang pambato nilang Calamansi Cake at Calamansi Frappe.

 


Huwag magpaiwan sa part 2 ng Oriental Mindoro Special ng I Juander. Muling samahan sina Susan at Cesar sa kanilang paglalakabay ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.

English:

In the second part of I Juander’s Oriental Mindoro Special, Susan Enriquez and Cesar Apolinario continue to discover the beautiful places in the province, its rich history and the unique culture of the Mangyan Tribe.

Join Cesar as he goes island hopping in the farthest part of Oriental Mindoro in Bulalacao. The place is composed of thirteen islands including Buyayao Island. The bluish water, white sand and rich forest of the place, it is considered as paradise. But during the World War 2, the place is used as camp of the Japanese soldiers and the place eventually became a private resort of Former president Ferdinand Marcoses’ crony.

Actor Addy Raj will go on an adventure as he travels to Mansalay, the place also known as “Jurassic Park of the Philippines”. A history will unfold before him. How true is it that Dinosaur used to walk in the land of oriental Mindoro centuries ago?

Susan will taste a unique drink of the Mangyan tribe that is consumed especially during summer, it is called gumamela juice. The town of Victoria is known as the Calamansi Capital of Mindoro. They have will share their yummy Calamansi Cake and Calamansi Frappe.

Do not miss the second part of I Juander’s Oriental Mindoro Special. Join Susan and Cesar in their adventure this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV.