Sino ang nagpasimula ng new year’s resolution sa bayan ni Juan?
“Bagong taon, bagong buhay.”
Ito ang peg ng maraming Juan sa pagpasok ng 2018. Kaya kasabay ng pagpapalit ng taon ay ang paglilista ng kanya-kanyang New Year's resolution.
Sa mga gustong makaipon para sa kanilang #travelgoals ngayong 2018 – humanga sa kuwento ng mag-asawang Benj at Fely na noo'y baon sa utang pero ngayon, #yayamanin na. Alamin ang naging sikreto nila para makaipon at malagpasan ang pinagdaanang problemang pinansyal.
Kilalanin din si Puroy na kinarir ang New Year's resolution niya mag-bagong buhay. Dahil kung dati'y lulong sa bisyo at droga – ngayo'y isa na siyang ganap na pastor. At ang pangangaral – idinadaan ni Puroy sa pagra-rap.
Pero sa lahat ng New Year's resolution, si Aris daw marahil ang may pinaka kakaiba. Dahil ang plano niya sa pagpasok ng taon, ang talikuran ang pagiging bading at magbalik loob.
Ngayong Miyerkules, humugot ng inspirasyon sa kanilang mga naisakatuparan ang New Year's resolution. Tumutok sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na sagutin ang tanong ni Juan:
“I Juander, sino ang nagpasimula ng New Year's resolution sa bayan ni Juan?”
English:
New year, new life. This is the goal of many Juans at the start of 2018, along are list of one’s New Year’s Resolution.
For those who want to save up for their #travelgoals this 2018, get inspired with the story of the couple Benj and Fely. They used to have a lot of debts, but they were able to turn their lives around and they are now rich. They will share their secrets on how to save money at how they were able to be debt–free.
Puroy’s New Year Resolution is a new life. He used to have vices and high on drugs. He is now a pastor and his way of preaching is through rap.
Of all the New Year’s resolution, probably the most unique is Aris’. Because his goal is to reform from being gay to going straight.
Watch I Juander this Wednesday and get inspiration as they achieve their New Year’s Resolutions. Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they answer the question:
I Juander, who started New Year’s Resolution in the country?