Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga kababalaghan sa katubigan, tampok sa 'iJuander'


Sa malamig at banayad na daloy ng tubig sa mga ilog at batis, sino nga ba ang hindi mahahahalinang magtampisaw dito? Kung ang mga katubigan pinamamahayan di umano ng shokoy, sirena at engkantada lulusong ka pa ba?

 
 
Noong pumutok ang Mt. Pinatubo, pinalubog nito ang dalawang barangay sa Zambales.  Ang dating barangay naging lawa! Tinawag ito Lawa ng Mapanuepe. Bukod sa mga bahay at mga dating establisyemento mayroon pa raw kakaibang makikita sa ilalim ng lawa, mayroon daw ditong nagbabantay na sirena?
 
 
 
Sa Ilog Baliwag naman sa Nueva Ecija, pinamamahayan naman di umano ng engkantada na minsan pa raw nagbigay ng masaganang huli sa isang mangingisda, pero buhay naman daw niya ang naging kapalit.
 
 
 
Mga multong nanglulunod at mga nilalang sa tubig na di umanoy kumukuha ng buhay, may katotohanan kaya ang mga nilalang na naninirahan sa katubigan sa bayan ni Juan?
 
Alamin ang kasagutan ngayong Miyerkules 8:00 ng gabi sa I Juander!