Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander, kailan at paano napunta sa hapag ni Juan ang tapa?


 


I Juander, kailan at paano napunta sa hapag ni Juan ang tapa?

Kung pagkain lang ang pag-uusapan, maraming pambato diyan si Juan.

Ang isa nga sa ating maipagmamalaki--- ang nanunuot sa sarap na tapa!

 

 


Dadayuhin ng ka-Juander nating si Cesar ang tinaguriang “The Tapa Town of the Philippines” na Mangaldan sa Pangasinan. Ang Tapa Queen na si Marcela, ipapatikim kay Cesar ang kanyang ipinagmamalaking pindang na bersyon nila ng tapa.

Sa bayan naman ng Dagupan, isang kalye ang dinarayo dahil sa kakaibang luto ng tapa, ang pigar-pigar.

 


Pero hindi lang sa mga probinsya makatitikim ng masasarap na tapa. Ang mga taga-Malabon ang paboritong lantakan, ang matindi ang sipa na tapang kabayo.

Dadayuhin naman ni Susan ang kainan na tila isang zoo naman daw sa dami ng exotic tapa na matitikman! Kakayanin ka niyang kumain ng tapang buwaya, usa, tupa, baboy ramo, palaka at kuneho?

 


At sa isang matinding TAPAtan, maghaharap ang iba’t ibang tapsilog with a twist na patok sa bayan ni Juan.

Sa Miyerkules, sama-sama tayong matakam sa iba’t ibang tapa ni Juan! I Juander, kailan at paano napunta sa hapag ni Juan ang tapa? Alas-otso ng gabi sa GMA NewsTV!


When it comes to food, Juan has many popular dishes.

One of Pinoy’s pride is the tasteful tapa!
Cesar Apolinario will travel to “The Tapa Town of the Philippines”, in Mangaldan, Pangasinan. Cesar will taste the version made by Marcela, the known Tapa Queen.

There is a street in the town of Dagupan that is famous because of a unique way of preparing tapa, it is called pigar-pigar.

In Malabon, their favorite dish is the tapang kabayo or horse.

Susan will try out various exotic tapas in a restaurant. Will she enjoy the tapa from the meat of a crocodile, sheep, boar, frog and rabbit?

Watch out for the tapa face-off of the various tapsilog with a twist.

This Wednesday, join us as we crave for the different tapas, eight o’clock in the evening on GMA News TV, as we answer the question:

I Juander, when and how did tapa arrived at Juan’s plate?