I Juander, ano ang kuwento tungkol sa naglahong kaharian ng Tondo?
I Juander, ano ang kuwento tungkol sa naglahong kaharian ng Tondo?
Magulo, at larawan ng kahirapan – ito ang imahe ng Tondo para sa maraming Juan. Pero minsan sa kasaysayan, sa lugar na ito namayagpag pala ang isang mayamang kaharian.
Alamin ang kuwento ni Lakan Dula, ang itinuturing na huling hari ng sinaunang Tondo. Pero totoo nga kayang nag-traydor siya sa sariling bayan? At mula sa pagiging isa sa tatlong makapangyarihang kaharian noon sa Maynila, paano unti-unting nawala ang dating kinang ng Tondo?
Lugar ng matatapang at walang inuurungan – kilalanin ang mga bayaning laking Tondo. Gaya ng Ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio at Utak ng Katipunan na si Emilio Jacinto. Maging si Macario Sakay na nakipaglaban sa pawang mga Kastila at Amerikano, dugong Tondo rin.
At sa katatapos lang na Cinemalaya Independent Film Festival, kinilala bilang Best Film ang pelikulang “Respeto.” Pero paano nga ba ito humugot ng inspirasyon mula sa kasalukuyang kalagayan ng Tondo?
Iba't ibang kuwento ng Tondo, noon man o sa kasalukuyan. Abangan sa I Juander ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na sagutin ang tanong ni Juan:
English version:
Disorderly, chaotic and a picture of poverty- these descriptions are linked to Tondo by many Juans. However, in history, this place once cradled a royal kingdom.
Get to know the story of Lakan Dula, the known last king of the ancient Tondo. But is the story about him betraying his own country true? And from being one of the three powerful kingdom in Manila, how did Tondo’s glory disappear?
The place of the brave -get to know the heroes who grew up in Tondo. Like Andres Bonifacio, the father of the Revolution and Emilio Jacinto, the brain of the Revolution. Even Macario Sakay who fought with the Spaniards and the Americans, has Tondo blood.
In the recently concluded Cinemalaya Independent Film Festival, the film “Respeto” was recognized as the Best Film. Do you know that the film was inspired by the current state of Tondo?
Please watch I Juander, Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV! Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they answer the question:
I Juander, what is the story about the disappearance of the Kingdom of Tondo?