Filtered by: Newstv
NewsTV
Mga kabataan sa gitna ng giyera kontra droga, kilalanin sa 'iJuander'

I JUANDER SPECIAL: MGA MUSMOS SA KASAGSAGAN NG LABAN SA DROGA
Dalawang linggo na ang nakalilipas nang mapatay si Kian delos Santos, sa paghihinala na sangkot ang binatilyo sa kalakaran ng bawal na gamot. Isa lang siya sa mga sinasabing biktima ng extra judicial killing sa bayan ni Juan.

Ang taga-Navotas na si “Lav”, tunog daw ng baril ang humehele sa kanya sa gabi. At balitang may bagong bangkay na nakahandusay ang agahan naman niya sa umaga. Mismong ang ama nga ni Lav – biktima ng extra judicial killing. At ang lubos niyang kinatatakot, ang kapatid niyang si “Cathy” – nasa watch list din umano ng mga pinaghihinalaang sangkot sa droga.
Maski ang mga menor de edad, hindi rin ligtas sa kampanya ng pamahalaan kontra droga. Katunayan, mula Pebrero, umabot na sa tatlumpu’t isa ang bilang ng mga kabataang namatay nang dahil sa extra judicial killing, gaya ng limang taong gulang na si Danica. Ang puntirya sana ng mga hindi pa nakikilalang gunman, ang lolo niya na 'di umano'y sangkot sa droga. Pero ang kaawa-awang puslit ang tinamaan ng bala.
Ano nga ba ang pananagutan ng awtoridad sa ganitong mga pagkakataon? At nararapat nga ba na maisawalambahala ang karapatang pantao sa gitna ng laban ilegal sa droga?
Abangan sa isang espesyal na pagtatanghal ng I Juander, kasama sina Cesar Apolinario at Susan Enriquez, ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV.

It has been two weeks after Kian delos Santos was killed after he was suspected to have been involved dealing with illegal drugs. Kian is only one of the many victims of extra judicial killings in the country.
According to “Lav”, a resident from Navotas, the sound of the gunshot became a normal sound to her in the middle of the night. The news that there was a corpse found was announced during breakfast the following day. Even her father became a victim of extra judicial killing. And her greatest fear is that her sister “Cathy”, will be included in the “watch list” of people suspected to be involved in drugs.
Even the minors were not spared in the campaign against illegal drugs. Since February this year, 31 minors perished in the extra judicial killings, the five year old Danica included. The target of the gunman was Danica’s grandfather who was believed to be involved in selling illegal drugs. Unfortunately, Danica was the one hit by the bullet.
What are the accountabilities of the authorities in these instances? Are there violations against human rights in implementing the campaign to eradicate illegal drugs?
Please watch the special episode of I Juander, join Cesar Apolinario and Susan Enriquez this wedenesday, eight o’clock in the evening on GMA New TV!
Tags: cesarapolinario, susanenriquez
More Videos
Most Popular