'i Juander,' bakit mahal ng mga dayuhan ang bayan ni Juan?
_2017_07_05_17_05_24.jpg)
Matrapik, madumi at magulo.
Ganito madalas inilalarawan ang bayan ni Juan. Pero sa kabila nito, may mga banyagang pinili pa rin manirahan sa Pilipinas at itinuturing itong tahanan.

Sa katatapos lang na teleseryeng “Meant to Be”, isa sa mga bumidang aktor ang purong Indian na si Addy Raj. Para patunayan ang kanyang pagiging pusong Pinoy, tinanggap niya ang hamon na susubok sa kung gaano siya katatas sa wikang Filipino. I Juander, maintindihan kaya niya ang kahulugan ng ilang mga salawikaing Pinoy? O hindi kaya ma-nosebleed sa kanya si Juan?

Si Fabien naman, tinalikuran ang kinagisnang pamumuhay sa France. Nakapagtapos siya ng kolehiyo at doo'y may sarili nang apartment. Pero ipinagpalit niya ito, para sa isang payak na buhay dito sa Pilipinas. At sa pamamagitan ng itinayo niyang negosyo, nakapagbibigay si Fabien ng trabaho sa mga Pilipinong hirap sa buhay.

Alamin din ang kuwento ng Australian national na si Dwaine - na mula sa kabilang panig ng mundo – sa Pilipinas pala niya mahahanap ang kabiyak ng kanyang puso.

Ngayong Miyerkules, kilalanin silang mga banyagang naturingan, pero mga pusong Pinoy naman. Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
“I Juander, bakit nga ba mahal ng mga dayuhan ang bayan ni Juan?”