Iba't ibang kuwento ng katatakutan tuwing kasalan, tampok sa 'I Juander'
Bakit may mga kuwentong katatakutan sa mga kasalan sa bayan ni Juan?
“Til death do us part.”
Ito ang madalas na sumpaan ng mga nagpapakasal. At kapag ganitong buwan ng Hunyo - tiyak kaliwa't kanan na naman ang mga kasalan dito sa bayan ni Juan.
Pero sa kaso ni Maffie – tila hindi raw siya kayang iwan ng yumaong kasintahan, maski sa kamatayan. Nang ikasal kasi siya sa ibang lalaki, nagpakita raw ang kaluluwa nito na para bang tumututol sa kanilang pag-iisang dibdib.
Nang mag-honeymoon naman ang bagong kasal na sina Weng at Richard, may kakaibang nilalang daw na sumama sa kanila. Sino kaya ito na tila nagbabalik mula sa nakaraan ni Weng?
At para nga raw suwertehin ang ikakasal, dapat sundin ang mga pamahiin--- bagay na binalewala raw ni Salve. Ilang araw kasi bago siya ikasal – sinukat ni Salve ang kanyang wedding gown. Dahil daw dito – namatay ang kanyang nobyo.
Kikiligin ba kayo o kikilabutan sa kanilang mga kuwento?! Abangan 'yan sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV!
Kikiligin ba kayo o kikilabutan sa kanilang mga kuwento?! Abangan 'yan sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV!