Mga nausong sayaw sa bayan ni Juan, babalikan sa 'I Juander'
I Juander, paano nag-step-up ang sayaw sa bayan ni Juan?
Mula sa mga nausong sayaw noon gaya ng Dougie, Nae-Nae at Gentleman --- tila may mga bagong dance craze na naman sa bayan ni Juan! At ang mga sayaw na ito – para bang sinasapian! Maki-hataw sa Sibonga Famous Dance ng Cebu at sa nauuso rin ngayon na Albatraoz dance!
Viral din ngayon ang video kung saan may lalaki na kunyaring itutulak sa swimming pool. Pero imbis na mahulog, sumayaw ito at nagpagiling-giling pa. Kaya nga ang tawag sa dance craze na ito --- “Hala Nahulog!”
Bukod sa kuwelang mga sayaw – humahataw din ngayon ang mga dance step na medyo may pagka-sexy. Gaya sa kantang “Work” ng singer na si Rihanna. Ano kaya ang opinyon ng mga konserbatibong Juan sa ganitong klase ng mga sayaw?
Makiki-Wayback Wednesday din sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa mga sayaw na nauso mula pa noong dekada singkuwenta.
Abangan lahat ng ito sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At samahan sina Susan at Cesar sa pagsagot sa tanong ni Juan:
I Juander, paano nag-step-up ang sayaw sa bayan ni Juan?