Kultura at tradisyon ng Batanes, sunod na tatalakayin sa 'I Juander'
I Juander, ano ang itinatagong yaman ng kultura at tradisyon ng isla ng Batanes?
Sa pagpapatuloy ng Batanes trip nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario, tutuklasin naman nila ang kultura, kaugalian at kasaysayan ng mga Ivatan.
Rumampa suot ang tradisyunal na kusuotan ng mga Ivatan. Gaya ng kakaiba nilang head dress na madalas nakikita sa mga litrato – ang “vakul.” Pero pamilyar din ba kayo sa tradisyunal nilang tsinelas --- ang “chavayanas!?”
Alamin din ang kasaysayan ng mga bahay na bato sa Batanes. Ang pinaka matanda nga sa mga ito – itinayo noon pang 1887. Pero anong delubyo kaya ang tumama sa Sitio Songsong at nagiba ang mga bahay na bato rito?
Pagdating naman sa kaugalian - ang tradisyon ng pakikipagbayanihan, buhay na buhay pa rin sa mga Ivatan.
Sa Batanes hindi lang daw ang magagandang tanawin ang binabalik-balikan. Kundi maging ang kanilang kultura, kaugalian at kasaysayan. Kaya tumutok na sa part 2 ng I Juander Batanes Special ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.