I Juander, paano mai-inlove ang mga single ngayong Valentine's Day?
Para nga lang ba sa mga luma-lovelife ang araw ng mga puso? Hindi ba puwedeng ma-inlove kahit single? Ngayong Miyerkules, alamin ang kuwento ng ilang mga Juan na umibig, nabigo at naka-move on.


Ang dalagang si Honey at ang binatang si Roi, parehong galing sa matagal na relasyon. Kaya naman nang sila'y hiwalayan ng kani-kanilang kasintahan, tila hindi sila maka-move on. Para makalimot, papasyal sila sa mga lugar na hindi pa nila nararating. Gaya ng hidden falls sa Pangil, Laguna at ang bagong trampoline park sa Mandaluyong.


Ang social media sensation naman na si Sachzna Laparan, in the hunt ngayon para sa bagong mapupusuan. Kaya naman sasali siya sa isang dating game kasama si La Churva Angel.


Tumutok sa I Juander at mapaibig sa kanilang mga kuwento. Abangan 'yan ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.