Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga alternatibong summer pasyalan, alamin kung saan matatagpuan sa 'I Juander'
I Juander, kung puno na ang Boracay at Tagaytay, saan ang puwedeng summer destination ni Juan ngayong summer?
Paniguradong jam-packed na naman ang paborito nating mga summer destination gaya ng Boracay at Tagaytay. Kaya para hindi makipagsiksikan at para may bago rin tayong mapuntahan, inalam ni Cesar Apolinario at ng komedyanteng si Maey Bautista kung saan pang mga lugar puwedeng magtampisaw at mag-enjoy si Juan.
Mula Boracay, maaaring sumakay ng bangka para marating ang mala-paraisong Carabao Island. Dito, sinubukan ni Maey na mag-scuba diving at gumala sa isla sa pamamagitan ng kalabaw. Para naman sa mga gustong mag-nature tripping, puwedeng dumayo sa Sibuyan Island kung saan matatagpuan ang isa sa pinaka malinis na ilog sa Pilipinas.
Sinubukan naman ng grupong La Churva na mag-white water rafting hindi sa Cagayan de Oro kundi dito lang sa Laguna. Samahan din si Cesar at ang kanyang pamilya sa isang summer destination na dito-dito lang at puwedeng ma-enjoy nang balikan.
Abangan lahat ng iyan ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV at sabay-sabay natin sagutin ang tanong ni Juan: I Juander, kung puno na ang Boracay at Tagaytay, saan ang puwedeng summer destination ni Juan ngayong summer?
More Videos
Most Popular