Filtered By: Newstv
NewsTV
'I Juander:' Bakit nalalagyan ng kuwentong katatakutan ang mga makasaysayang lugar?
Fashbook
Airing Date: October 16, 2013
Ang makasaysayang mga lugar sa bayan ni Juan, hindi lang daw mayaman sa istorya ng nakaraan.
Hitik din daw ito sa mga misteryo at kuwentong kababalaghan!
Isa sa mga pinakamakasaysayang lugar sa Pilipinas ang probinsya ng Bataan. Dito naganap ang makasaysayang death march kung saan libo-libong sundalong Pilipino at Amerikano ang namatay noong World War II.
Pero kahit ilang dekada na ang lumipas, naririnig pa rin daw ang yabag ng mga paang naglalakad! Nagpapakita rin daw ang kaluluwa ng mga sundalong sumisigaw ng katarungan.
Sa pinakalumang lighthouse sa buong Asya na matatagpuan sa Ilocos Norte, may mga kaluluwa rin daw na nagpaparamdam. Sila ang pinaniniwalaang tagapagbantay ng lugar.
Pasukin din ang sinasabing isa sa mga pinakanakakatakot na lugar sa buong mundo, na ipinalabas pa sa National Geographic Channel—ang Clark Air Base Hospital!
Abangan lahat ng yan ngayong Miyerkules alas otso nang gabi sa GMA News TV at sabay-sabay nating sagutin ang tanong ni Juan: I Juander, bakit nga ba nalalagyan ng mga kuwentong katatakutan ang mga lugar na makasaysayan?

More Videos
Most Popular