Filtered by: Newstv
NewsTV

'I JUANDER:' Saan nagmula ang paniniwala ni Juan sa mga kwento ng pugot na ulo?


I JUANDER
Airing Date: May 21, 2013

Ang I Juander, may huling hirit ngayong tag-init!

Samahan ang aming team na umakyat sa Summer Capital ng bansa -- ang Baguio City! Pero hindi bakasyon ang pakay namin kundi ghost hunting! Pasukin natin ang abandonadong Diplomat Hotel. I Juander, magpakita kaya sa amin ang kinatatakutang paring pugot ang ulo?

Pero paano naman kaya kung hindi multo ng paring pugot ang iyong makita kundi ang mismo mong mahal sa buhay? Totoo nga kayang palatandaan ito ng nalalapit na kamatayan?



Ang ka-Juander nating si Vanessa, naniniwala sa ganitong pamahiin dahil isang araw bago ang anniversary ng kanyang dating kasintahan, nakita raw ito na walang ulo. Hindi nga naglaon, naaksidente ito! Ano nga kaya ang katotohanan sa likod ng misteryong ito?





At huwag din palagpasin na makilala ang huling headhunter o taga-pugot ng ulo ng isang tribo sa probinsya ng Kalinga! Bahagi nga ba talaga ng kulturang Pinoy ang pamumugot ng ulo?

Kilalanin din ang mga Pilipinong napugutan ng ulo dahil sa pagmamahal sa bayan!

Samahan sina Susan at Cesar na alamin ang katotohanan sa likod ng mga kwento ng mga pugot na ulo ngayong Miyerkules, 8 pm sa "I Juander" ng GMA News TV-11!