Filtered By: Newstv
NewsTV

'I JUANDER:' Ano ang paboritong panghimagas ni Juan?


I Juander
Airing Date: May 8, 2013

Likas daw sa mga Pinoy ang pagkahilig sa pagkaing matatamis! Kaya naman di raw kataka-takang anumang parte ng ating bansa, may kani-kaniyang bersyon ng panghimagas! Pero I Juander, ano nga ba ang orihinal na dessert nating mga Pinoy?



Binisita namin ang ilang lugar sa Pilipinas upang hanapin ang mga ito! 

Bukod sa iba’t ibang desserts na ang pumatok sa panlasa ng mga Pinoy, may ilang nauuso ngayon na mga kakaibang panghimagas!



Nakatikim na ba kayo ng Malunggay Ice Cream?

Alam mo bang mayroon na ring mga panghimagas na ulam na, dessert pa? Alamin ang dessert ng mga taga-Batangas--ang tamales!

Pero bukod modernong panghimagas, aalamin din ng I Juander ang mga dessert noong panahon pa ng Kastila!



Ang Turron de Kasoy at Brazo de Mais ng Pampanga na nga ba ang orihinal na panghimagas ni Juan?

Sa darating na Miyerkules, sama-sama tayong matakam at mamangha sa iba’t ibang panghimagas ng mga Pinoy!

I Juander, ano nga kaya ang orihinal na panghimagas ni Juan? Panoorin ito ngayong Miyerkules, 8 PM sa GMA News TV-11!