Filtered by: Newstv
NewsTV
I Juander: Paano matutupad ang mga new year's resolution ni Juan?
PAANO MATUTUPAD ANG MGA NEW YEAR'S RESOLUTION NI JUAN NGAYONG 2013? I JUANDER Airing date: January 9, 2013
Bagong taon... bagong buhay! Ito ang inaasam ng maraming Juan sa pagpasok ng taong 2013. Kaya naman kanya-kanya tayong lista ng mga New Year's resolution na gusto natin sundin.
At ang nangungunang New Year's resolution ni Juan - ang magpapayat! Lalo't marami sa atin ang nagsitabaan dahil sa kaliwa't kanang mga handaan nitong Pasko at Bagong Taon. Ngayong 2013, uso raw ang tinatawag Paleo Diet kung saan hilaw na karne at lamang dagat ang kinakain dahil hindi raw ito nakatataba. I Juander... ligtas nga ba itong kainin?

Marami rin sa mga Juan ang naghahangad ng isang bonggang makeover sa simula ng taon. I Juander anu-ano nga ba ang "in" sa fashion ngayong 2013? Iisa-isahin yan ng I Juander mula sa hairstyle hanggang sa sapatos.
Ang mga sawi naman sa pag-ibig noong 2012... naghahanap ng masayang lovelife ngayong bagong taon! I Juander anu-ano kaya ang tips ng ating campus DJ na si Papa Dudut para sa matamis na lovelife ngayong 2013?!

New Year's resolution naman ng sing and dance group na Down to Mars ang talikuran ang kanilang bisyo - hindi alak o sigarilyo - kundi ang paglalaro ng Defense of the Ancient o DOTA! Alamin din ang New Year's resolution nina Susan, Cesar, at ng iba pa nating Kapuso stars.
Pero sa dinami-rami ng New Year's resolution ni Juan ngayong 2013, paano nga ba ito matutupad? Mga ka-Juander, ilista na ang mga ituturo naming paraan. Ngayong Miyerkules na, alas-Otso nang gabi dito lang sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular