Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander: Kilala raw si Juan sa pagiging mapanghusga, gaya-gaya, at tiis-ganda?


KILALA RAW SI JUAN SA PAGIGING MAPANGHUSGA, GAYA-GAYA, AT TIIS-GANDA? I JUANDER Airing date: December 19, 2012 Marami tayong mga kaugalian na masasabing tatak na nga ng isang tunay na Pilipino. Pero ang mga ugaling ito gaya ng pagkamagalang – naglaho na nga ba sa modernong panahon? Ngayon – kilala na raw si Juan sa pagiging mapanghusga, gaya-gaya at tiis-ganda?! Ito ang inalam namin sa pamamagitan ng iba’t-ibang social experiment na siyang naging tatak na ng aming programa sa nakalipas na taon. Pero hindi naman puro negatibo ang pagkakakilanlan sa’ting mga Pilipino. Ang sabi nga, kahit puro problema, nakukuha pa rin nating ngumiti at tumawa. At para pasayahin si Juan sa malulungkot na sandali – nariyan ang sinusubaybayan nating mga sitcom noon gaya ng Kool Ka Lang at ang longest running gag show sa telebisyon – ang Bubble Gang. Maging sa mundo ng cyberworld – sumisikat na rin ang Pinoy dahil sa mga online paandar nina Kimpoy Feliciano at ng grupong Chicser na pawang unang lumabas sa telebisyon sa pamamagitan ng aming programa. At bukod sa mga kaugalian – kilala rin daw tayong mga Pilipino dahil sa pagkahilig natin sa pagkain. Katunayan – umulan man o umaraw mayroon tayong mga maituturing na specialty. At madalas may kapartner pa itong sawsawan na hindi rin daw nawawala sa hapag kainan ng bawat Juan. Pero ano nga ba ang orihinal na pagkain ni Juan tuwing tag-araw o tag-ulan? At ano nga ba ang ating pambansang sawsawan? Mga ka-Juander, kung hindi niyo nasubaybayan ang ilan sa aming mga episode ngayong 2012, tutok na ngayong Miyerkules alas otso nang gabi dito sa GMA News TV at sabay-sabay natin balikan ang ilan sa mga tanong na binigyan namin ng kasagutan dito lang sa I Juander!