Filtered By: Newstv
NewsTV
I Juander: Anong kakanin ang naghahari tuwing Pasko?
ANONG KAKANIN ANG NAGHAHARI TUWING PASKO - PUTO BUMBONG, BIBIGNKA, O MAY IBA PA?
I JUANDER Airing date: December 12, 2012
Pagpatak ng ika-labing anim ng Disyembre, tradisyon na ni Juan ang dumalo sa Misa de Gallo o Simbang Gabi. At pagkatapos ng misa, gawing-gawi rin natin ang kumain ng mainit-init at umuusok-usok pang bibingka at puto bumbong! Ang dalawang pagkaing ito ay talaga namang in demand tuwing Pasko. At hindi lang ito tinikman nina Susan at Cesar... sinubukan din nila mismo ang magluto! Pero ang puto bumbong – hindi lang pala kulay ube... Sa Ilocos, kulay pula ang kanilang bersyon na kung tawagin ay “tinubong." Samantalang ang Malabon naman na kilala sa masasarap nilang kakanin, may tinatawag na “puto sulot." Ito ang kanilang puto bumbong na mistulang suman ang kulay at hitsura. At hindi lang pala kinakain ang puto bumbong kundi iniinom din. Mga ka-Juander natikman niyo na ba ang puto bumbong shake?! Hindi rin naman patatalo ang bibingka na may iba’t-ibang bersyon din. Isa na rito ang bibingka na mistulang tikoy sa kunat! Natikman nyo na rin ba ang sinasabing hari ng mga bibingka? Matatagpuan daw ito sa Vigan --- Ang Royal Bibingka! Pero I Juander – alin nga ba sa dalawang kakaning ito ang naghahari tuwing Pasko? O baka naman may iba pang mas patok sa panlasa ni Juan? Ito ang inalam namin sa pamamagitan ng iba’t-ibang social experiment! Ang mga pinasarap at akma sa panahon na sapin-sapin, puto at kutsinta posible kayang agawin ang trono sa puto bumbong at bibingka? O baka naman may mga hybrid o bibingka at puto bumbong with at twist na magtatanggol sa korona ng pinaka masarap na kakanin tuwing Pasko! Kung gusto ninyo malaman ang sagot sa tanong ni Juan – tutok na sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV! More Videos
Most Popular