Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander: Saan nagmula ang perya sa bayan ni Juan?


SAAN NAGMULA ANG PERYA SA BAYAN NI JUAN? I JUANDER Airing date: November 28, 2012
 
Kapag ganitong papalapit na ang Pasko, nagbubukas na ang naglalakihang mga carnival at theme park sa Maynila. Pero ang bersyon nito sa mga probinsya, tinatawag na perya!
 
Mula sa makukulay na rides, hanggang sa kakaibang mga palaro at pati na rin ang tinatawag na freak show - lahat ng ito, mga atraksyon sa perya.
 
Sa isang peryahan sa Muntinlupa, nagpapakitang gilas si Fantastic Lady, ang babaeng isinilang na walang mga kamay!
 
Nariyan din ang buwis buhay na stunts gaya ng "Wall of Death!" Dito, dalawang motorsiklo ang nagpapaikot-ikot sa loob ng bilog na hawla. Sa liit ng espasyo, puwede silang magkatamaan!
Lahat ng mga ito, sa ngalan ng pagpapasaya ng mga manunuod!
 
Pero ang mga perya na pinapasyalan ngayon, saan nga ba nagmula? At kaninong impluwensiya?
 
Ito ang tanong ni Juan na bibigyang kasagutan ng mga ka-Juander nating sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario.
 
At abangan din ang pagsakay nila sa pinakamataas na ferris wheel sa buong Pilipinas! I Juander - malagpasan kaya ni Susan ang kanyang fear of heights?!
 
Kaya sa mga gustong mamangha, malula at matawa, tutok na sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.