Filtered By: Newstv
NewsTV

I JUANDER: Ano ang Kototohanan sa Likod ng Ilan sa mga Minumultong Lugar Dito sa Bayan ni Juan?


Panahon na naman ng takutan pero sa bayan ni Juan may mga lugar na tila “all year-round” sa kababalaghan! Mga lugar na nakakapanindig balahibo at pinamamahayan daw ng mga hindi matahimik na kaluluwa---dadalawin natin ngayong Lunes! I Juander, ano ang kototohanan sa likod ng ilan sa mga minumultong lugar dito sa bayan ni Juan?           Ang Provident Village sa Marikina, matapos masalanta ng Bagyong Ondoy noong 2009, pinamumugaran daw ng mga espiritung humihingi ng saklolo! Makalipas ang 2 taon, buhay pa kaya dito ang mga kuwento ng kababalaghan?           Hindi naman daw matahimik ang mga kaluluwang namamahay sa bahay nila Kelsie sa Cavite. Sa katunayan, sila nga raw ang napalayas ng mga ito! Kaya ngayon abandunado na ang kanilang bahay. Pero sa tulong ng paranormal expert na si Jericho Ibanez, mapaalis na kaya ang matagal nang naninirahang multo rito?  Hindi naman mawala sa isip ni JM ang isang larawang kanilang kinuhanan nang minsang magbakasyon sila sa bahay ng lola nila sa Pampanga. Lima lang daw kasi sila ng kumuha ng litrato, pero nang suriin nila ito----isang nanlilisik na mata ang sumilip sa gitna ng grupo! Ano o sino kaya ang nilalang na nahagip ng kanilang camera? At sa isang social experiment, hahamunin nina Susan at Cesar ang 3 nating Ka-Juander na pasukin ang isang haunted house upang gawin ang aming katatakutan challenge! Uubra rin kaya ang aming host o kakaripas sila ng takbo?
Tags: plug, ijuander