Filtered By: Newstv
NewsTV
Buwan ng Kababalaghan sa 'I Juander:' Saan nagmula ang paniniwala ni Juan sa mga Tiyanak?
Para sa unang episode ng month-long- special ng Kababalaghan Stories ngayong Oktubre, bibigyang kasagutan ng I Juander ang halimaw na sumikat sa pelikula at nakilala bilang “anak ni Janice." Kasama ang batikang director na si Direk Peque Gallaga sasagutin nating ang kasagutan kung bakit tinangkilik at kinatakutan ng mga pinoy ang Tiyanak! Ngunit alam nyo ba na hindi lang daw pang pelikula ang mga “monster sanggol” na ito dahil mismong saksi raw na nakakita rito si Mark na isang pastor. At mayroon daw siyang kakaibang kwento tungkol sa mga tiyanak…Aniya kabaliktaran daw ang paniniwala natin dito. Mabait daw at “child-friendly”?! Ayon naman kay Mang Gasti isang albularyo, talaga naman nakapipinsala ang mga tiyanak. Katunayan nakapagpaalis na raw siya nito sa isang ginagambalang pamilya. At may mensahe raw lagi ang mga tiyanak sa mga Pinoy na pinipili nitong takutin! Ang rebelasyon ng mensaheng ito, kasama na rin ang pagtuklas ng pinagmulan ng mga Tiyanak sasagutin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Lunes sa ganap na alas-diyes ng gabi sa show na sumasagot sa inyong katanungan…
Tags: plug
More Videos
Most Popular