I JUANDER: May Nakakita na ba ng isang tunay na sirena?
I JUANDER: May Nakakita na ba ng isang tunay na sirena? Kadalasang laman ng mga alamat at kuwento-kuwento ang nilalang na sirena. Ilang beses na nga rin itong bumida sa pelikula at telebisyon. Pero para sa ilang mga Juan – mayroon din nito sa tunay na buhay! Dito sa Atimonan, Quezon at maging sa Angono, Rizal – may mga nakatayong rebulto ng sirena. Tanda raw ito ng kanilang paniniwala. Si Lola Juliana – isa raw sa mga nakasaksi sa mailap na nilalang! Samantalang sa Daet, Camarines Sur – isang sanggol daw ang isinilang na may buntot! Kaya naman isang expedition team ang binuo ng I JUANDER. Sa tulong ng mga eksperto sa iba’t-ibang larangan, at gamit ang makabagong teknolohiya, makita kaya namin ang mailap na sirena ng Atimonan? Samahan natin sila Susan Enriquez at Cesar Apolinario na alamin ang misteryo sa likod ng mga sirena! Sa Lunes na, alas-diyes ng gabi sa GMA NEWS TV!