Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang guyabano recipes, ibibida sa 'Good News'


Good News kasama si Vicky Morales

Go, Guyabano!


Ang guyabano na kadalasang ginagawang shake o juice, puwede palang umariba sa mga putaheng swak sa pamilya. Tamang tamis-asim ang hatid nito sa sinigang na bangus. Pati ang roasted chicken, mapasasarap ng marinade na gawa sa guyabano. Mahilig ka ba sa dessert? Subukang gumawa ng healthy guyabano ice cream!

Higanteng Sarap!

Para sa masayang barkada bonding, paghatian ang mga mala-higanteng pagkain na guaranteed ang kabusugan. Umpisahan natin sa Double Jumbo Siopao na good for ten people. Ngayong maulan ang panahon, masarap paghatian ang mainit na lugaw--na 4.5 kilos ang bigat! Para naman sa dessert, mabubusog na ang hanggang doseng tao sa Giant Chocolate Crinkle Sandwich. Hanggang anim naman ang masisiyahan sa Giant Classic Ice Scramble!

Bus na, hotel pa!


Para sa komportableng biyahe, subukan ang bus na may mala-hotel ambiance. Bukod sa comfort room na puwedeng pagliguan, meron pa 'tong mga kama para sa ultimate tulugan. Sinubukan ito ng Good News papuntang Pampanga, kung saan puwedeng tikman ang masarap na sisig pizza. Para matunaw ang kinain, pinuntahan namin ang kabubukas na outdoor adventure park, kung saan tampok ang inflatable course challenge!

Tag-ulan Fun!


Kahit tag-ulan, walang patid ang kasiyahan. Para hindi mabagot ang mga chikiting, gagawa tayo ng mga laro na magpapatalas ng kanilang memorya, spelling skills, at kakayahang bumuo ng strategy! Ang good news, very affordable ang mga materyales na gagamitin. Maski ang mismong paggawa ng mga laro, pwedeng maging bonding activity ng pamilya!

Honesty Jeepney!

Kilalanin si manong jeepney driver na hindi na nagpabayad sa mga estudyanteng walang barya. Ito ang naging inspirasyon para sa latest social experiment ng Good News. Sa eksenang ito, sadyang magsusukli nang sobra ang jeepney driver. Meron kayang tapat na magbabalik ng sobrang pera? Abangan!