Filtered by: Newstv
NewsTV

Dotonbori food trip sa Japan, susubukan ni Bea Binene!



GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing Date: July 2, 2018

Japan Special Part Two

Minion Invasion!


Sa pagpapatuloy ng Osaka adventure ni Bea Binene, nakipagkulitan siya sa mga cute na cute na minion mula sa blockbuster animated film na Despicable Me. Kasama ng kaniyang mommy, binisita niya ang Minion Park sa Universal Studios Japan. Bukod sa pagsubok sa high-tech ride, namasyal din si Bea sa minion-themed rooms sa official hotel ng amusement park.

Minion Madness!


Nagpakabusog si Bea sa mga snack bar. Tinikman niya ang refillable banana-flavored popcorn na nakalagay sa cute bucket na pwedeng iuwi as souvenir. Appetizer pa lang 'yan dahil sinubukan din niya ang minion-shaped burger at omelette with rice na swak sa panlasa!

Hapontastic Food!


Binisita ni Bea Binene ang Yakiniku Street na naglalaman ng higit sa dalawampung kainan na naghahain ng yakiniku o grilled beef. Tinikman niya ang sikat na Kobe beef na wala raw katulad sa lambot at lasa. Pagkatapos ng Dotonbori River Cruise, naghanap naman si Bea ng authentic ramen. Bubusugin niya kayo, hindi lang sa iconic Japanese dish na 'to, kundi pati na rin sa dining etiquette ng mga Hapon!

Shark Attack!


Sa Universal Studios Japan, susubukan ni Bea Binene ang mga ride na magpapatili sa kaniya. Pumasok siya sa Jurassic Park para sakyan ang The Flying Dinosaur na susubok sa katatagan ng kaniyang loob. Pagkatapos mahilo, ang ride na base sa hit 70s movie na Jaws naman ang kaniyang pinasok. Kamusta naman kaya ang paggulat ng pating sa kaniya?

Dotonbori Food Trip!


Pagkatapos ng river cruise, ipinagpatuloy ni Bea Binene ang Dontonbori tour sa pamamagitan ng food trip! Dito siya nagpakabusog sa sari-saring Japanese streetfood, gaya ng takoyaki o dumpling, ang kushikatsu o deep-fried skewers, at yakitori o chicken barbecue. Pagkatapos kumain, nagpasalubong shopping naman si Bea. Dito niya nadiskubre ang isang mahalagang shopping tip!