Iba't ibang mustasa recipes, ituturo sa 'Good News'
Musta na, Mustasa?
Ang mustasa na sampung piso kada tangkay, walang-humpay na sustansya't linamnam ang hatid sa hapag-kainan. Umpisahan natin ang araw sa kakaiba at healthy almusal--ang Mustasa Pancake. Swak namang pananghalian ng buong pamilya ang Mustasa Curry Soup. Para sa meriyendang nakabubusog, subukan ang Pesto Pasta na sinangkapan ng mustasa!
Shoe-per Project!
Ang pinaglagyan ng biniling sapatos, pwedeng gawing kapaki-pakinabang. Sa kaunting paggugupit, pagdidikit at pagdidisenyo, pwede nang makalikha ng decorative shelves, cable organizer at clothes drawer. Sinong mag-aakala na ang simpleng karton, magbibigay ayos at kagandahan sa inyong tahanan?
Pak na Pak ang Pakwan!
Ang matamis na pakwan, matitikman sa isang pista sa Pangasinan. Binisita namin ang Bani na nagdiriwang ng Pakwan Festival. Pero bukod sa prutas na ito, marami pang pwedeng ma-enjoy rito--tulad ng falls at beach na mala-Siargao ang hampas ng mga alon!
Respeto para sa Kasambahay
Bagamat tayong mga Pinoy ay likas na may malasakit sa kapwa, hindi raw natin ugaling makialam. Pero paano kung may masaksihan kang pang-aalipusta sa kasambahay? Para malaman ang reaksyon ng mga tao, dinala namin ang eksenang ito sa sari-saring lugar sa Quezon City. Alamin kung sinu-sino ang maglalakas-loob magsalita laban sa pagkakamaling ito.
Food Stall Finds
Sa tabi ng kalsada, may mga ibinebentang pagkain. Ang mga ito, ‘wag niyong isnabin, dahil ang ilang mga nadiskubre naming chibog na malinamnam sa food stalls namin natikman. Samahan si Maey Bautista sa food stalls sa nasa tabi lang ng kalsada, ang ilan sa mga ito international food pa ang hinahain sa murang halaga.