Tips sa pamimili ng regalo, ibibida sa 'Good News'
![](http://images.gmanews.tv/webpics/2017/08/640_GOODNEWS_BER_MONTHS_2017_08_30_18_53_26_0.png)
Maagang Pamasko Shopping!
Ngayong umpisa na ng "ber" months, dapat maagap sa pamimili ng mga regalo ngayong Pasko! Para masulit ang pinaghirapang panggastos, sugod na sa Divisoria kung saan ang mga bilihin, swak sa bulsa. Kasama ni Maey Bautista, ituturo namin kung saan wais bilhin ang mga panregalo tulad ng damit, sapatos at laruan!
Early Christmas Shopping!
Now that we've hit the "ber" months, it's time to do some early Christmas shopping! To get more value for your hard-earned money, Maey Bautista takes you to Divisoria where you can score cheap but awesome finds. We'll show you where you can buy the most affordable gifts such as clothes, shoes and toys!
![](http://images.gmanews.tv/webpics/2017/08/640_2_2017_08_30_18_53_26_1.png)
D-I-Y Meals
Ang Kapuso actor at comedian na si Carl Cervantes ang makakasama natin sa isang food trip na puno ng katatawanan at linamnam. Sa isang breakfast place, sinubukan niyang gumawa ng customized pancake na siksik sa fillings. Para naman sa nakabubusog na pananghalian, isang sisig restaurant ang kaniyang sinubukan. Dito, siya rin ang pumili ng mga sangkap. Para sa healthy kainan, subukan ang veggie wrap na puno ng veggies of your choice!
Fun Food Trip!
Kapuso actor and comedian Carl Cervantes takes us to a food trip filled with laughter and yumminess. In a breakfast place, he tries making a customized pancake chock-full of fillings. For a satisfying lunch, he tries a sisig restaurant with the ingredients of his choice. To balance the meal with a healthy twist, he also makes his own veggie wrap!
![](http://images.gmanews.tv/webpics/2017/08/640_SAYOTE_2017_08_30_18_56_50.png)
Sarap ng Sayote!
Ang sayote, laging nakikita sa palengke at supermarket sa buong taon. Buti na lang dahil siksik ito sa sustansiya! Sa tulong ng mga recipe na aming ituturo, siguradong mapapadalas ang kain nito ng buong pamilya. Sino ba naman ang hindi matatakam sa Stuffed Sayote at swak sa kanin na Stir-Fry Sayote with Chicken?
Super Sayote!
The sayote can be seen all year round in markets and groceries--a good thing since this vegetable is chock-full of nutrients. With the help of our recipes, you can serve sayote more often on your dining table. Your family is sure to fall in love with filling dishes such as Stuffed Sayote and Stir-Fry Sayote with Chicken--perfect with rice!
![](http://images.gmanews.tv/webpics/2017/08/640_image020_2017_08_30_18_53_26_2.png)
Free Family Bonding!
Para mahiwalay ang mga chikiting sa gadgets, isali sila sa fun family activities na pwedeng gawin sa bahay. Simple lang ang mga kailangan tulad ng mga lumang plastic bottle, kumot at medyas para paganahin ang imahinasyon ng inyong chikiting. Pati sina mommy at daddy, sigurado ring masisiyahan sa budget-friendly activities na ito!
Free Family Bonding!
To wean your children from gadgets, engage them in fun family activities you can do at home. All you need are simple things such as old plastic bottles, blankets and socks to feed their imagination. Even dads and moms are sure to enjoy these budget-friendly activities!
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us