Filtered By: Newstv
NewsTV

Sisig burger at sisig batchoy, ibibida sa 'Good News'


Good News
Airing Date: March 06, 2017

Pechay By Golly Wow!

Kung hirap kayong pakainin ang mga chikiting ng gulay, ang solusyon, nasa pechay! Sa umaga, busugin sila ng Pechay and Omelet Frittata. Para naman sa Japanese-inspired meryenda, pasok ang Pork and Pechay Gyoza. Masarap at masustansiyang meryenda rin ang handog ng Pechay Meatballs in Sweet and Sour Sauce. Kapag natikman ng mga bagets ang mga pechay recipe na 'to, hindi nila aakalain na sinangkapan ito ng gulay!

Breathtaking Batanes!

Sa unang araw pa lang sa pinakahilagang bahagi ng Pilipinas, marami nang napuntahan si Maey Bautista! Mula sa mala-New Zealand view ng Marlboro Country na pastulan ng mga baka, hanggang sa Valugan Boulder Beach kung saan maririnig ang hampas ng alon sa naglalakihang bato, walang tigil kayong mamamangha sa magagandang tanawin rito. Sigurado ring mahahalina kayo sa kagandahang loob ng mga tagarito.

Sisig Shindig

Ang paborito nating putaheng kapampangan na sisig, ihinahain na sa iba't ibang paraan. Nakatikim na ba kayo ng sisig burger o sisig batchoy?  Alamin kasama si Bea Binene ang kakaibang sisig dishes na pwedeng ma-enjoy sa presyong abot-kaya.

Makeover Magic

Kung kating-kati na kayo magpa-makeover pero kulang sa budget, may good news kami sa inyo! Dahil sagot na namin ang mga D-I-Y pampaganda mula ulo hanggang paa.  Ang mga lumang medyas, scarf at gamit sa bahay muli pang mapakikinabangan para ang pagpapa-byuti siguradong madali at mura.

Tags: plug