Filtered by: Newstv
NewsTV

Mga DIY project gamit ang lata, ituturo sa 'Good News'


Lunes, January 30, 2017
8 PM sa GMA News TV

Mindoro Mysteries, Hole-in-the-Walls, Masarap Mangamote & Lata Level up

Only in Mindoro! (Part 2)

Sa ikalawang bahagi ng Mindoro adventure ni Good News Girl Bea Binene: Sulong na sa natatagong ganda ng Mindoro! Sa Sablayan pwedeng mag-island hopping hindi gamit ang barko, kungdi ang zipline! Bibisitahin din natin ang Pandan Grande, kung saan madalas daw makakita ng pawikan. Pati ang sikmura, dapat ding maging adventurous dahil dito matitikman ang uok, isang insekto na matatagpuan sa gubat.

Kamote Discoveries

Ang salitang nangangamote medyo nega, pero gagawin namin itong pasitib!  Higit sa camote cue, marami pang pwedeng gawin sa kusina gamit ang kamote. Halina't tikman ang tinatagong linamnam ng simpleng sangkap na ito. Matapos panoorin ang mura at masustansya naming recipes, siguradong hindi na kayo kakamot-kamot pagdating sa kamote.

DIY A Whole Lata Love

Kumbinyente ang mga de-latang pagkain.  Kailangan lang kasing buksan ang lata para maumpisahan ang chibugan.  Pero imbis na itapon ang latang lalagyan, alam niyo bang pwede pa itong pakinabangan?  Para sa mga mommy, abangan kung paano pakikinabangan ang mga ito sa step-by-step DIY lata project!

Hole-in-the-Wall Restos

'Di kailangang dumaan sa butas ng karayom para kumain ng masarap! Kapag nagtitipid pero gustong kumain sa labas, subukan ang mga kainang aming nasubukan. Kadalasan maliliit at tago na mga hole in the wall restaurants, pero sigurado namang swak sa panlasa't budget n'yo. Mula sa chorizo dishes at inihaw na putahe, hanggang sa steak at pampalamig na gawa sa Chocnut, siguradong mabubusog kayo sa affordable na halaga!

Magpakabusog sa nakaka-good vibes na kaalaman kasama si Vicky Morales ngayong Lunes sa "Good News," 8pm sa GMA News TV.

Tags: plug