Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga putaheng bida ang itik, tikman sa 'Good News'


ITIK NA ITIK SA SARAP
Hindi na pala Pateros ang may hawak ng korona bilang ‘Duck Capital of the Philippines.’ Pupuntahan natin ang Victoria
sa Laguna at alamin kung paano nila ginagawa ang iba’t ibang duck recipes, pati na ang alternative na ‘duck ham’ na puwedeng maging
centerpiece sa ating mesa ngayong Noche Buena.


CHEESY DELIGHTS
Alam n’yo bang may mahigit isang libong uri ng keso sa buong mundo? At gawa  ito mula sa gatas ng iba’t ibang uri ng hayop. Alamin natin ang sari-saring putahe na bumibida bilang sangkap ang keso!

FUN IN PANGASINAN
Hindi lang Hundred Islands ang puwedeng pasyalan sa Pangasinan. Bisitahin natin ang iba’t ibang fun adventures na hindi akalain ng marami na puwede palang gawin at subukan sa probinsya.

CHRISTMAS NEGOSYO
Tuwing Kapaskuhan, mabilis raw ang ‘labas’ ng pera. Puwede naman nating palakasin ang ‘pasok’ kung susubukan natin ang ilang mga patok na Christmas negosyo.
Tags: goodnews