Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba’t ibang bersyon ng pansit, ihahain sa ‘Good News’


LINEUP FOR OCTOBER 10, 2016

 

 

Kulang sa Pansit?

Kung pansit ang inaasam-asam n'yong kainin, subukan ang mga nadiskubre namin sa iba't ibang bahagi ng bansa! Sa Vigan sa Ilocos, sikat ang Pansit Musiko na sagana sa karne at hinahanda tuwing pista. Sa Sta. Rosa, Laguna naman umaariba ang Pansit Grade 1--na sa sobrang daling gawin, kayang-kaya raw itong lutuin ng Grade 1 student. Ang Pansit Estacion naman sa Tanza, Cavite, makaysaysayan at malinamnam ang simula!

 


 


Tali Creativity!

Ang mga tali sa bahay, hindi lang pansabit, pambigkis o pambuhol. Ang mga ito, puwede ring pandekorasyon sa tahanan. Mula sa simpleng tali, pwede nang makagawa ng picture frame, wall decor, mga bowl centerpiece at plant hanger. Sino'ng mag-aakala na ang mga simpleng tali, nagpapaganda rin ng inyong tirahan!

 

 


Dakilang Guro

Kilalanin si Teacher Fe, ang gurong taus-pusong nagtuturo nang libre sa mga batang lugmok sa kahirapan. Ang kaniyang adbokasya, hindi nagtatapos tuwing Biyernes, dahil pati ang bahagi ng kaniyang weekend, ginugugol din niya sa pagtuturo sa mga batang kapus-palad. Kasama ng kaniyang asawa, pinapameryenda rin nila ang mga bata para mabusog ang kanilang tiyan at isipan. 

Padyak into the Past!

Ang Maynila, higit pa sa trapik, siksikang mga lugar at matataas na gusaling matatagpuan dito. Silipin ang makulay na kasaysayan nito sa isang paraang nakakabuti sa kalusugan--ang pagbibisikleta! Sa pamamagitan ng isang bike tour, matututunan ang mga nakakaaliw na trivia tungkol sa Maynila, pati na rin ang makulay na pamumuhay rito. Samahan si Bea Binene sa pagtuklas ng ibang mukha ng kabisera ng bansa!

Tags: pr, plug, goodnews, pansit, diy