Food hotspots sa La Union, dadayuhin ng 'Good News'
Lunes, June 27, 2016
8 PM on GMA News TV-11
Food Hotspots sa La Union!
Ang La Union, sikat sa mga surfing spot! Pero iba ang pinunta ni Good News Girl Bea rito--ang mga food hotspots! Samahan siya sa pagtikim ng mga pagkaing proudly La Union tulad na lang ng Bacnotan Pizza na pinagbibidahan ng special longganisa ng probinsiya. Kung trip n'yo naman ang dessert, tikman ang halo-halo version nila na... mainit?! Pagkatapos ng grape-picking activity, magpaka-healthy naman sa isang cafe sa naghahain ng Fruit Smoothie Bowls!
Negosyo para kay Nanay!
Dahil panahon na naman ng pasukan at gastusin, handog namin ang negosyo ideas para may extrang pagkakitaan ang mga nanay. Pakinggan ang kuwento ng isang chef na dahil sa negosyo, meron nang pagawaan, bahay at sasakyan. Ang dati namang mahilig sa crystals and gemstones, ngayon, ginawa na itong negosyo sa pamamagitan ng paggawa ng kikay accessories. Mula kay Love Anover, matututunan naman natin kung paano simulan ang pastry business sa puhunang 500 pesos lang --may bonus pa kung paano gawin ang sikat niyang almond brownies!
In the Mood for Food!
Anuman ang mood mo--senti, heartbroken o chilly, meron kaming mga pagkaing magpapagaan ng pakiramdam mo! Mula sa homestyle goodness ng Buttermilk Fried Chicken at pampainit ng sikmura na Bulalo Mami, hanggang sa Pinoy Food with a Twist na Tinola Paella, siguradong gaganahan kang maging productive araw-araw!
Salon Special!
Dahil sa hatid na good vibes and good looks ng mga salon, inalam namin ang mga bagong gimik nito na lalong magpapaganda sa inyo! Mula sa isang paggupitan na gumagamit ng ginto para pagandahin ang buhok, hanggang sa isang barberya na ginawang package deal ang haircut at carwash, siguradong hindi kayo mauubusan ng mapagpipilian para sa ultimate makeover!
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us