Filtered By: Newstv
NewsTV

Iba't ibang uri ng buffet, ibibida sa 'Good News'


Lunes, June 6, 2016

8PM SA GMA News TV 

Kain all you can!

Dahil tayong mga Pinoy, hilig patusin ang mga eat-all-you-can promo, inalam namin ang mga buffet na sulit sa bulsa at panlasa. Subukan ang unli-chicken wings promo sa isang kainan sa Pasig, kung saan anim na flavors ang ihinahain. Kung pork naman ang inyong napupusuan, tungo na sa Paranaque para sa isang sisig buffet. Authentic Taiwanese dumplings naman ang ating lalantakan na may kasama pang soup and rice. And for dessert, bubulaga ang isang ice cream buffet na swak para sa may sweet tooth!

Adobo-Loco!

Ang tinaguriang pambansang ulam na adobo, makulay pala ang kasaysayan--kasingkulay ng iba't ibang luto nito sa sari-saring bahagi ng bansa.Tikman ang Adobong Puti na kalat sa Pampanga at iba't ibang bahagi ng Visayas. Nariyan din ang Adobong Pula mula Batangas na kinulayan ng atsuete oil. Hindi rin magpapahuli ang Adobong Dilaw na sinahugan ng turmeric o luyang dilaw. Anuman ang trip mong kulay ng adobo, siguradong swak sa panlasang Pinoy ito!

Padyak na!

Ang bisikleta, isang classic na transportasyon na muling sumisikat ngayon. Bukod sa pagiging sport, ang biking, pwede ring gawin sa mas praktikal na paraan, tulad ng pagpapadyak patungo sa trabaho. Kilalanin ang mga siklistang nakikinabang sa simpleng gawaing ito na hindi lang nakakatulong sa kalusugan, aprub din ito kay Inang Kalikasan!

The Best of Zambales!

Para sa huling hirit ngayong tag-init, punta na sa probinsya na hindi nalalayo sa Maynila.  Mula sa iba't ibang mga bayan ng Zambales, siguradong may maiuuwi kayong masasayang alaala. Sa San Antonio, mabibisita ang mga isla na may natatanging ganda. Bukas na bukas naman ang San Felipe para sa bagnet at longganisa food trip. For dessert, tungo na sa Botolan para sa sesame candy!

Tags: plug