Mga kakaibang Santacruzan sa bansa, tampok sa 'Good News'
Lunes, May 30, 2016
8PM sa GMA News TV
Choose your own churros!
Mula sa Espanya, ang paborito nilang meryenda na churros, umaariba na rin sa ating bansa. Tikman ang iba't ibang twists nito, tulad ng Ice Cream in a Churro Bowl at ang Churro Ice Cream Sandwich. Sigurado rin kayong matatakam sa churros na may sorpresang sweet fillings. Kung hindi naman kayo mahilig sa matamis, tikman ang savory variety nito na Crispy Parmesan Churros!
Paraiso sa Pangasinan!
Ang bayan ng Bani sa Pangasinan, isa palang grand bakasyunan! Silipin ang white-sand beaches at naglalakihang rock formations sa mga isla nito. Pati ang mga ibon mula sa ibang mga bansa, naeenganyong pumunta rito! Mapagmamasdan sila sa isang bird sanctuary, kung saan puwede ring mag-relax. Kung naghahanap ng gastronomic adventure, nasa Bani ang pinakamatatamis na pakwan at ang local kakanin delicacy na tupig!
Panlilibre sa Grocery!
Kung mahaba ang iyong pasensiya, ang inyong ipinamili sa grocery, aming ililibre na! Sa tulong ng aming kasabwat na mahilig sumingit sa pila, dala-dala ang sangkaterbang aberya, malalaman natin kung sinu-sino sa ating mga kapuso ang mapagbigay.
Kakaibang mga Santacruzan!
Ang santacruzan, nakikisabay na rin sa modernong agos ng panahon. Siguradong maaaliw ang mga young at young-at-heart sa Under-the-Sea Santacruzan sa isang oceanarium na pinagbibidahan ng mga sirena. Tutungo naman tayo sa Pateros, kung saan ang mga reyna, hindi mga dilag, kungdi mga naggagandahang senior citizen. Meron din tayong madadaanang santacruzan, kung saan ang mga bida, mga karakter mula sa hit fantaserye na Encantadia!